Wednesday, December 26, 2012

Ganun na nga ang PASKO

Hindi naman naiba sa isang ordinaryong araw ang araw ng Pasko para sa akin....



December 24 morning tumambling ako from Cubao pauwi ng Pasig para ihatid ang ihahanda sa Noche Buena....






 Nag-abot ng regalo ke Nanay, ke ate at ke bunso pati na rin sa mga pamangkin...
Pati regalo sa mga inaanak ko inihabilin ko na lang ke Nanay dahil alam ko namang wala akong balak mag-pasko sa bahay ng pamilya ko....




December 24 around 4pm ng maisipang kong gumayak pabalik ng tinitirhan kong bahay sa Cubao.... Gustuhin ko mang mag Noche Buena sa bahay kasama ang nanay kaso talagang mabigat ang loob kong mag stay pa ng matagal....






Sabi nila ang Pasko daw eh araw ng pagpapatawad.... pero not for me... Ginawa nya akong ganito.... tumigas ang puso ko sa pagpapatawad.....





Mas ginusto ko pang mapag-isa sa kwarto.... magbasa ng mga libro hanggang sa makatulog.... Ni hindi ko na namalayan ang Pasko...




naalimpungatan ako december 25 (2am).... Bumangon sa higaan.... Nagtimpla ng kape.... at muling nagbasa ng libro....










Masaya akong nag Noche Buenang mag-isa..... Lucky Me pancit canton+2 hard boiled eggs+2 cups of hot coffee....




 Malungkot para sa Iyo ang ganitong pasko pero ito ang pinili ko....











MALIGAYA NGA BA ANG PASKO????

No comments:

Post a Comment

MGA MADADALDAL NA KOMENTARISTA: